Talumpati sa Kalagayan ng Bansa (Pilipinas)

Nagpahayag si Pangulong Rodrigo Duterte ng kanyang unang Talumpati sa Kalagayan ng Bansa sa Bulwagang Plenaryo ng Hugnayan ng Batasang Pambansa noong Hulyo 25, 2016.

Ang Talumpati sa Kalagayan ng Bansa[1] (Ingles: State of the Nation Address, pinapaikli bilang SONA) ay taunang kaganapan sa Republika ng Pilipinas, na kung saan inuulat ng Pangulo ng Pilipinas ang kalagayan ng bansa, karaniwang sa pagbukas muli ng pinagsamang sesyon ng Kongreso (ang Kapulungan ng mga Kinatawan at Senado). Tungkulin ito ng Pangulo na nakasaad sa Artikulo VII, Seksiyon 23 ng Saligang Batas ng 1987. Ipinapahayag ang talumpati bawat ikaapat na Lunes ng Hulyo sa Bulwagang Plenaryo ng Hugnayan ng Batasang Pambansa sa Batasan Hills, Lungsod Quezon, Kalkhang Maynila.

Dapat magtalumpati ang Pangulo sa Kongreso sa pagbubukas ng regular na sesyon nito. Maaaring humarap din siya rito kahit sa iba pang pagkakataon.

Ang SONA, na kadalasang ibinobrodkast, ay nagsisilbi bilang paraan upang ipagbigay-alam sa bansa tungkol sa kanyang kasalukuyang kalagayan sa ekonomiya, pulitika, at lipunan. Kaparaanan din ito para sa Pangulo upang ibuod ang mga nagawa at pinaplano ng kanyang pamahalaan kapwa para sa isang partikular na taon at hanggang katapusan ng kanyang panahon ng panunungkulan.

  1. "Feature: SONA and what it stands for". Philippine Information Agency. Nakuha noong 29 Hulyo 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Tubidy